It's another journey to begin.

Posts tagged “goodbye

“Sige Po.”

From Jack-i's Flickr

Nasanay na akong magsabi ng paalam sa mga taong kakilala ko. Tuwing kailangan ko nang umalis, sinasabi ko ang mga salitang “sige po” imbes sa “paalam”. Sa aking palagay ay naging isang paraan ko ito upang magsabi ng paalam sa kanila.

Pero kung ihahambing, sila ay magkaiba. Alam kong magkaiba ang mga katagang “paalam” at “sige po”. Pero sa aking palagay, iba ang ibig sabihin kung sinabi mong paalam.

Alam kong makikita ko silang muli. Ang salitang ‘paalam’ ay nangangahulugan na ikaw ay nagpapaalam sa minamahal mo. Isang pamamaalam na hindi mo na muling magagawa pa. Ang kahuli-hulihang bagay na iyong gagawin, ika nga.

Naniniwala ako sa kasabihan na ‘lahat tayo ay magkikita-kita muli’. Siguro hindi ngayon. Pero balang araw, magsasama-sama ang lahat ng mga pamilya at mga kaibigan na nagmamahal sa kanila.

Sa tingin ko ay wala akong pinagsisisihan dito. Ayaw ko pang magpaalam. Gusto ko pa silang makita muli. Kaya hindi ko mabigkas ang salitang paalam.

Alam kong magkikita-kita pa tayo. Kaya, ‘sige po’. 🙂


Valedictorian’s Farewell Speech to the School…and to the World

I thought of this thing just about 25 minutes ago. It is a statement in which a valedictorian is about to die the next day after he graduates from high school. When I thought of it, I felt sad as the valedictorian says his thanks and bids farewell. His speech would run like this: (this one is in Filipino)

Image from it-i-laf (Deviant Art)

Magandang hapon sa mga tagapakinig, sa mga guro at sa aking mga kaklase na naandito ngayon. Naririto tayo upang ipagdiwang ang pinakamaliligayang bahagi ng isang estudyante. Naririto kami upang kunin ang aming mga diploma, at isigaw sa mundo na ipinagmamalaki namin ang aming napagtagumpayan. Nagpapasalamat ako sa mahal na Bathala dahil binigyan Niya ako ng pagkakataon na magbigay ng talumpati sa inyong lahat.

Ilang sandali na lamang ay papasok na kami sa kolehiyo. Dito ay pipili kami ng kursong napupusuan, at pasukin ang mga bagay na nagugustuhan naming gawin. Sa kolehiyo mararanasan namin ang saya ng pagiging malaya. Ang lahat ng napag-aralan namin dito ay aming gagamitin sa kolehiyo.

Marami akong natutunan dito sa paaralang ito. Dito natutunan ko magkaroon ng kaibigan. Dito ay natutunan ko rin ang pagiging masipag at matiyaga. Hindi ko inaakala na ako’y magiging isang valedictorian sa klaseng ito. Hindi ko naman talaga ito inaasahan. Tinatanong ko lagi sa aking sarili na bakit ako ang napili ng nasa itaas. Siguro malalaman ko rin ang kasagutan.

Alam ko na malalaman ko agad ang kasagutan ukol sa aking tanong. Noong nakaraang taon ay bumisita kami sa isang doktor. Hindi ko inakala ang masamang balita. Pero sinabi niya na mayroon akong cancer at nasa stage 3 na ang nasabing karamdaman. Binigyan ako ng doktor ng isang taon para mabuhay. Hindi ko inaasahan na magkakaroon na ng taning ang buhay ko. Ibig sabihin ay isang taon na lamang ang natitira sa akin upang mabuhay sa mundong ito. Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan pa niya ako ng isang araw para magbigay ng talumpati ukol sa nalalabi kong araw. Hindi na ako nagsalaysay ng mas mahaba pa, dahil sa bawat pagkakataon na iniisip ko iyon ay nalulungkot, naiiyak at nalulumbay ang aking puso.

Pero ngayon ay sinabi ko na ang gusto kong sabihin, nais kong sabihin na pwede na akong maglakbay sa kabilang mundo ng tahimik at payapa. Nasabi ko na rin ito sa aking pamilya, at kahit ang lahat ng minamahal ko sa buhay. Sa aking mga kaklase, sana maging masaya ang pagpasok ninyo sa kolehiyo. Sana maging seryoso kayo sa inyong pag-aaral, at huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ibinigay sa inyo. Para din sa inyo yan.

Muli, nais kong magpasalamat sa inyong lahat. Marami pong salamat…at paalam.

Well, the speech is not clear enough since the speech in my mind is not so clear as well. (But what if the kid doesn’t die? :P)